Friday, March 03, 2006

Random Thoughts

Ala-Una. Madaling araw na.Malamig ang simoy ng hangin...hindi naman pasko. Tahimik. Natutulog ang aso sa paanan ko, habang umaandar ang electric fan. Kaya siguro lalong lumamig. Nag-iisa ako. Kamusta na kaya ang asawa ko? Sana mag-enjoy sila sa Tahoe kasama si Felipe. Bakla ba yun? Hehehe. Joke lang. Hinihintay ko ma-install ang Google Earth sa PC ko. Para masilip ko na ang mga bahay ng mga asungot sa buhay ko! Hehehe. Miss ko na ang mga kaibigan ko. Si Peter, si Dave, si Willie. Lahat lalaki! Ang hirap palang magsulat sa Filipino. Nababaluktot ang utak ko. Teka, sino pa ba ang nami-miss ko? Lahat ng kabarkada ko noong isang taon. Inuman, kainan...mga halakhak.  Wala na atang patutunguhan itong sinusulat ko. Lumulutang na ang isip ko. Tatapusin ko na ito. Bakit lahat ng sentence...(ano nga ang tagalog sa sentence?)..ah, pangungusap...bakit lahat halos ng pangungusap ko nagtatapos sa "o". Ay, windang na ako.  Sa wakas, gumagana na ang Google Earth...aabangan kita sa bahay mo!



No comments:

Related Posts with Thumbnails